Inilunsad ng Land Transportation Office-National Capital Region-West (LTO-NCR-West) ang kanilang Driver’s Education Center (DEC) sa Metro Manila upang matugunan ang problemang “kamote” riders.
Ayon kay LTO-NCR-West Director Roque “Rox” Verzosa III, kailangang ipatupad ng mahigpit ang traffic rules sa pamamagitan ng driver’s education sa road safety at awareness ng mga existing traffic rules and regulations.
Ang proper driving skills, sa pamamagitan ng 15-hour Theoretical Driving Course (TDC) ay isa sa mga requirements sa pag-a-apply ng driver’s license pero ang hangarin daw ng pagtuturo sa mga drivers ay nahaharang dahil sa mahal na bayad sa pag-enroll sa mga driving schools.
Sa mga gusto namang mag-enroll, pumunta sa LTO-NCR-West Office at 20 G. Araneta Ave., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.
Ang muling paglulunsad ng nasabing programa ay sa pamamagitan na rin ng guidance ng LTO chief na si Assist. Sec. Jose Antonio “Jay Art” Tugade.
