Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa kanilang mga accredited na doctors at medical clinics na babaklasin ang mga permit kapag maaktuhang nagbebenta ng medical certificates sa mga kumukuha ng driver’s license kahit wala ng aktual na physical examination.
Pinaalalahan din ni LTO chief Jay Art Tugade ang mga driver’s license applicants na mahalaga ang nasabing medical examinations sa pagkuha ng lisensya dahil dito makikita kung karapat-dapat bang magmaneho ang isang tao.
