Target ng Land Transportation Office (LTO) na alisin na ang mano-manong pagti-tiket sa mga motoristang lumalabag sa batas-trapiko para maging digital na ang pag-iisyu ng electronic temporary operator’s permit o e-TOP sa mga traffic violator kasunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Muling palalakasin ang paggamit ng handheld mobile device at body-worn cameras sa kanilang mga tauhan sa buong bansa.
Target ng ahensya na gawing cashless ang pagbabayad ng violations sa handheld mobile device sa mga susunod na buwan.
Ilulunsad din ang phase 2 kung saan puwede na ring magbayad ang mga motorista sa naturang device sa pamamagitan ng GCash at ATM card.
