Kakasuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay kapitan na pabaya at nagbabalewala sa paglilinis sa mga obstruction sa mga Mabuhay Lanes ‘pag naaktuhan ang mga ito ng monitoring team simula sa Enero 16.
Reklamo ng mga delivery truck driver, malaking tulong ang Mabuhay Lanes upang maideliber sa tamang oras ang lahat ng mga padala tuwing may traffic sa EDSA pero nadedelay ito dahil sa mga iligal na pumaparada sa nasabing kalsada.
Aminado naman ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na limitado ang kanilang hanay para walisin ang mga sasakyan kaya kailangan ang kooperasyon ng mga barangay para tuluy-tuloy ang magandang serbisyo sa mga motorista.
