Humingi ng tulong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson, Atty. Romando Artes sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na mapabilis ang paghahanap ng lugar sa mga nagtitinda sa mga lansangan sa Metro Manila upang maipagpatuloy ang kanilang negosyo nang hindi nakakaabala sa daloy ng trapiko.
Ang nasabing hakbang ay sinang-ayunan naman ni Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano na nagsabing ito ang nakikita nilang solusyon upang mapaluwag ang mga lansangan na walang mga negosyante ang nakararanas ng pagkalugi dahil sa clearing operations.
