By: Benny Andaya
HINDI pa man naipapalabas ang pelikulang MY FATHER MYSELF ng 316 Media Production at Mentorque Production, sunud-sunod na agad ang isyu.
Una, ang pelikulang ito raw ay walang moral values para sa mga kabataan lalo na sa mga magulang na may mga anak na bading.
May masamang epekto umano ang tema ng movie sa mga manonood, ito ang reaksyon ng isang direktor na hindi na natin papangalanan.
Pangalawa, ‘di raw maganda ang movie at paulit-ulit na lang ang ganitong klaseng pelikula.

Pangatalo, ‘di raw dapat kasama sa mga ipapalabas sa MMFF ang ganitong klaseng movie na iba ang tema at may rating na R18. Ilan lang ito sa mga ipinupukol sa pelikula.
Pero paliwanag ng head writer at actress na si Quinn Carillo, ‘wag daw muna nilang husgahan ang pelikula hanggat hindi napapanood ito.
“Para sa akin, dapat panoorin muna nila ang movie bago sila magreak. Una, ang kwento ng movie na My Father Myself ay isang kwento na based sa totoong kwento ng isang kakilala ko. Saka sila magbigay ng hindi magandang komento kung napanood na nila at sa palagay nila ay hindi maganda ang pelikula.”
Samantala, tuloy ang pag- promote ng mga bida ng My Father, Myself na pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Sean de Guzman, Dimples Romana at ipinakikilala si Tiffany Grey.
Sina Jake at Dimples ay huling nagkasama sa Kapamilya hit series na Viral Scandal.
Ilang beses na rin nilang nakatrabaho noon sa TV at pelikula si Direk Joel kaya alam na nila what to expect sa premyadong direktor.
Si Sean na tinawag na Vivamax King at nakasungkit na ng dalawang international acting award ay kay Direk Joel din nagsimula.
Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nina Sean at Direk Joel ay ang Anak Ng Macho Dancer, Lockdown, Fall Guy at marami pang iba.
Ang My Father, Myself ay palabas sa mga sinehan sa Dec. 25.
Kasama rin sa cast sina Allan Paule, Jim Pebanco, AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Raya Minioza at Joseph San Jose.
The film is also produced by Erwin Ortanez, Jumerlito Corpuz and Nicanor Abad.
