Nagharap ang Gilas Pilipinas kontra sa Lebanon kaninang madaling araw, Gilas nabigo 85-81 sa kanilang paghaharap nito sa 4th window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Hawak ng Gilas nito ang kalamangan sa unang quarter nito, ngunit hanggang mahabol ito ng bansang Lebanon sa laro na ginanap nito sa Nouhad Nawfal Sports Complex.
Nanalo ang Lebanon laban sa Gilas Pilipinas at tinagurian ngayon na Asia’s best point guard si Wael Araki na 24 puntos nito sa laro.
Ang 27 points, 7 assists at 6 na rebounds ng Filipino naturalized player na si Jordan Clarkson ay nasayang lamang sa larong iyon laban sa Lebanon.
Agad na uminit sa unang half ng laro ang Utah Jazz star ng umarangka na 18 points kasama na ang buzzer beater na 3-points.
Matinding pangangantiyaw ng mga fans ng mga Lebanon at hindi ito tinantanan si Jordan ng Gilas Pilipinas.
Si Kai Sotto ay isang 7-footer ay nag-ambag ng 10 puntos, dalawang blocks, at walong rebounds nito.
Gayunman, pagdating sa mga rebounding mas marami ang nagawa ng mga Gilas Pilipinas, 48 to 36. Sinasabing ang nagpatalo sa Pilipinas ang mga nagawang 21 turnovers laban sa siyam lamang para sa Lebanon.
Ang mga players na nakapuntos ay sina: Clarkson 27, Ramos 18, Aguilar 11, Sotto 10, Thompson 4, Newsome 3, K. Ravena 3, Malonzo 3, T. Ravena 2, Tamayo 0, Parks 0 at Oftana 0.
