CENTRAL MINDANAO-Ipinatupad na ang No Helmet, No travel Policy sa Kidapawan City kung saan kailangang nakasuot ng full-face helmet ang mga motorista at mga back rider.
Lahat ng mga violators ay naisyuhan o binigyan ng Temporary Operator’s Permit o TOP ng mga LTO personnel at kailangan magbayad ng P1,500. Namamahagi naman ng libreng full-face helmet sa mga motoristang kumpleto ang mga papeles o dokumento sa biyahe tulad ng driver’s license, OR/CR ng sasakyan at maayos na kondisyon ng sasakyan.
Alinsunod naman ang kautusang ito ni Mayor Evangelista sa Republic Act 4136 – An Act to Compile the Laws Relative to Land Transportation and Traffic Rules, to Create a Land Transportation Commission and for Other Purposes at may titulong “Land Transportation and Traffic Code” at sa Republic Act No. 10054 o ang” Motorcycle Act of 2009” ay kailangang magsuot ng standard protective helmets ang mga motorista habang nagmamaneho, malayo man o malapit ang biyahe at anumang oras na bibiyahe.
