Ayon sa Department of Energy (DoE) nagbabala ito sa mga gas stations na sinasabing wala ng imbentaryo ngayong araw ang mga produktong petrolyo, ngunit sa pagsapit ng kinabukasan ay dun pa lamang nila ibebenta ng mga supplier nito upang isabay sa pagtaas ng langis sa merkado.
Isang hoarding aniyang tatawagin kung sakaling may gumagawa ng ganitong uri na sakaling merong gas station na gumagawa ng ganitong pagkukunwari, ani ni Director Rodela Romero, assistant director ng Department of Energy—Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB).
Umapela ang DoE sa mga Oil Industry na ‘wag gagawa ng artificial shortage.
Sapat na umano sa ngayon ang mga supply at mga imbentaryo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Ang unang nagkumpirma ng kanilang oil price increase para bukas ang Sea Oil, Pilipinas Shell at PTT na magpapatupad ito bukas sa oras na alas-sais ng umaga.
Kaya hindi dapat mag-imbak ng gasolina dahil sa pangamba na baka magtuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo muli kada linggo nito.
Kasunod naman nag-abiso ang Phoenix Petroleum Philippines at maging ang Caltex Phils. Inc. na mas mapapaaga ang implementasyon ng kanilang price adjustment bukas sa oras na alas dose ng madaling araw nito.
Ang sunod na mag-implementasyon ng oil price increase sa oras na alas-otso ng umaga ang Clean Fuel.
Ang itinaas na presyo nito ng gasoline ay aabot sa P1.40 bawat litro; sa Kerosene naman kada litro ay aabot sa P6.10, maging sa Krudo naman ay higit rin na aabot bawat litro nito ay P6.10. MHA
