Bumalik sa tugatog ng basketball ang Golden State Warriors matapos mapanalunan ang 2021-22 NBA Season 75 championship.
Siniguro ng Warriors na bawiin ang kanilang nawalang kaluwalhatian matapos tapusin ang Boston Celtics ng 103-90 sa Game 6.
Noong 2019 na pagkatalo sa Toronto Raptors gayunpaman nagpakawala si Kevin Durant sa offseason na iyon, ngunit muli nilang pinatunayan na buhay na buhay ang kanilang dinastiya simula ng alisin sa larawan ang Warriors.
Nagkaroon ng 34 puntos si Steph Curry para pangunahan ang Dub Nation sa panibaong kampeon nito.
Si Draymond Green na may vintage performance na 12 puntos, eight assists, 12 rebound, dalawang blocks at dalawang steals at si Andrew Wiggins naman ang kanyang stellar play na nakapag dagdag puntos ng 18 para bigyan ang Golden State Warriors ng ikaapat nitong kampeonato sa nakalipas na walong taon.
