Nakausap namin ang butihing mommy ng award winning actress na si Jhassy Busran na bida sa bagong pelikulang ‘Unspoken Letters.’
Aniya, sobrang ganda ng review ng mga kasamahan ni Jhassy na mga seniors stars gaya ni Tonton Gutierrez.

Kwento nito, nakitaan ng aktor ng kalidad si Jhassy pagdating sa pag-arte. Sobrang nahusayan siya sa baguhang aktres.
Akalain nyo, bago umalis si Tonton sa shooting, nag-iwan pa ito ng mga magagandang kataga kay Jhassy. Puro pagpupuri ang sinabi nito.
Kaya naman halos umiyak si Jhassy sa tuwa nung marinig ang mga sinabi ng hinahangaang aktor.
Bukod kay Tonton, puring-puri rin ito ni Simon Ibarra. Hindi sila makapaniwala sa galing ng bata. 16 years old pa lang daw si Jhassy pero super lalim na ng mga hugot sa pag-arte.
Habang kausap namin si mommy sa last shooting day ng Unspoken Letters, masaya siya dahil naging maganda ang naging flow ng shooting ng pelikula.
Walang naging problema lalo na sa mga casts na sobrang magagaling. Tulong-tulong ang mga ito para mas lalo pang mapaganda ang pelikula.

Target na i-submit ang ‘Unspoken Letters’ sa MMFF 2023.
-edited/posted by Anne Venancio

