Sa araw ng martes (Oktubre 18) nakumpirma na ipapatupad ang dagdag na presyo ayon sa ilang oil companies nito.
Ayon sa kompanyang Pilipinas Shell, bukas ipapatupad nila ang oil price increase sa dakong alas 6 ng umaga.
Ang presyo ng gasolina ay P0.80 kada litro; sa presyo ng kerosene naman ay P2.90 bawat litro; habang ang ilang big time oil price increase naman sa presyo ng diesel na P2.70 bawat litro.
Habang ang Sea Oil ay may kaparehang oil price hike nito subalit ang Clean Fuel naman ay malalaman pa bukas ng alas 4:01 ng hapon para sa kanilang price adjustment.
Ang Caltex Philippines ay maaga ang implementasyon ng oil price adjustment na ipapatupad mamayang alas 12:00 ng madaling araw.
Aaasahang ang ilan pang oil companies na magsusunuran sa kanilang mga anunsiyo.
