Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P1.2 bilyong kasong kriminal at civil liability ang limang negosyante na sina Wei Feng Bao alyas Sofi Chua, Christina M. Poa, Sandoval Severino Briones, Jimy Go at Bibiano Lesaca dahil sa hindi pagbabayad ng buwis sa pagbebenta ng Heated Tobacco Products at Vapor Products na paglabag sa Republic Act 11346 at National Internal Revenue Code of 1997.
Nabatid na si Bao ang may-ari ng bank account kung saan ibinabayad ang online payment ng mga vape habang si Poa naman ang may-ari ng Rocket Bull Marketing na may registered address sa Unit 1G, 763, Soler St., cor. Sales St., Zone 30, Quiapo, Manila.
Si Briones ang may-ari ng SBS motorcycle parts and accessories sa Unit 1G, 637, Soler St., cor. Sales St., Zone 30, Quiapo, Manila.
Si Go ang proprietor ng Tap Fog Philippines na may address sa Acasel Building, Sales cor. Soler St., Quiapo, Manila.
Si Lesacan ang may-ari/lessor ng Acasel Building na izang three-story commercial building, na may address na 1 Lincoln St., Greenhills, San Juan City.
