Muling nanguna ang awiting “Anti-Hero” ng singer-songwriter na si Taylor Swift sa Billboard Hot 100 chart kasunod ng “Butter” ng Korean boy group na BTS at “Driver’s License” ni Olivia Rodrigo.
Nakakuha ng 68.9 million radio airplay audience impressions, 20.9 million streams at 13,000 na benta ang “Anti-Hero”.
Samantala, magsisimula ang panibagong tracking week ngayong araw, Disyembre 7, 2022 at aabangan ng mga “Swifties” kung mauungusan na siya ng ibang singers ngayong marami na ang nagpapatugtog ng Christmas songs.
