Sinimulan na ng Brgy. San Antonio, Pasig City ang kanilang “Basura to Ayuda” program para ngayong 2023.

Kinokolekta ang mga basura huling Sabado ng bawat buwan kung saan sa buwan ng Enero ay nakakolekta ng 302 kilo plastic; 1,438 kilo ng karton; at 15 kilo ng iba pang basura.
Sa bawat 5 kilong dinala na recyclable plastic ay mabibigyan ang isang indibidwal ng isang kilo ng bigas. Ang 8 kilo ng recyclable cartons ay katumbas din ng 1 kilo ng bigas.

Unang inilunsad ang “Basura to Ayuda” program noong 2021.
