Ni Allan Sancon
Naging madamdamin ang mga tagpo sa Grand Finale Media Conference ng “Can’t Buy Me Love” na ginanap sa Seda Hotel noong nakaraang April 11, 2024 Thursday na dinaluhan ng halos lahat ng cast members sa pangunguna ng mga lead stars na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Naging emosyonal ang dalawa dahil bukod daw sa ma mi-miss nila ang isa’t-isa at iba pa nilang kasamahan ay masyado na daw silang na attached sa kanilang mga karakter na sina Bingo at Caroline.
Nagsalita rin ang veteran actress na si Nova Villa na sa tinagal-tagal niya daw sa industriya ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng grupo na hindi lang turing sa kanya ay co-actress kundi isang kapamilya na ikinaluha ng iba pang cast members
Isa rin sa inabangan sa teleserye ay ang tambalan nina Maris Racal at Anthony Jennings na unexpected daw na tatangkilikin ng mga manunuod ang kanilang tandem. Hindi daw inaakala ni Maris na sa edad nya ngayon ay magkakaroon pa raw siya ng ka- loveteam.
Sa pagtatapos ng telerseryeng ito ay mas marami pa raw na rebelasyon at pasabog na aabangan sa teleseryeng ito.
