Ni Marianito Lumayno
Tuloy tuloy ang booster Rollout na PINASLAKAS ng ating pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bayan ng San Quintin, ano mang araw ay patuloy ang pagbabakuna ng local ng Department of Health (DoH) at Rural Health Unit (RHU), sa pamumuno ng ating Mayora Hon. Florence Pagaduan-Tiu, maging sa mga pribadong establisyimento, o kahit saan mang sulok maging sa public market ay handa silang magpabakuna kaagapay nila ang kagawaran ng DoH at RHU upang mapabakunahan ang lahat o mabigyan sila ng bakuna 1st at 2nd dose, nais rin ng ating buthiing Mayora sa mga bata edad 5 pataas na mabigyan din sila ng bakuna para mas maging ligtas sa ano mang sakit o Covid-19 bilang proteksyon sa kanilang kalusugan para sa darating na pasukan, nakiusap ang ating mayora Florence na paigtingin ang paglilinis sa kapaligiran para sa paghahanda sa Dengue, ngayong nagsisimula na ang tag-ulan nito.

