Ang munisipyo ng San Quintin Pangasinan ay nakatanggap ng Seal of Good Local Governance para sa taong CY 2022. Sa 4 na lungsod ng lalawigan ng Pangasinan at 44 na munisipalidad, 17 lamang na munisipalidad at 2 lungsod lamang ang bukod tanging nakapasa at nagkamit ng nasabing prestigious award.

As a result of our former Mayor Hon. Clark Cecil Tiu’s na walang patid na hindi natitinag na pangako sa kahusayan, matagumpay na naabot ng Local Government Unit ng San Quintin ang higit na pamantayan para sa pagsusuri ng pagsunod at on-site validation ng LGUs mula sa taong 2021.
Mula sa mainit na pagbati sa ating dating Mayor Hon. Clark Cecil Tiu, Sir Jose Agustin Jr. (MLGOO), Line Agencies, DepEd, Department Heads, LGU Employees, at 21 Barangay na pinamumunuan ng kanilang Punong Barangay, at sa lahat ng nagbigay suporta para sa maisakatuparan ang lahat ng ito at sama-samang pinagsikapan, at maging matiyaga!
Ang Seal of Good Local Governance (SGLG) ay isang sumisimbolo sa integridad at magandang pagganap ng mga lokal na pamahalaan. Naging batas noong Agosto 2, 2019 ang SGLG at kinilala bilang Republic Act No. 11292, at nakilala rin bilang “The Seal of Good Local Governance Act of 2019.” Inilipat ng Seal ang focus nito sa mga parameter na nakabatay sa isang resulta na makakaimpluwensya sa pagbabago ng pag-uugali, which will include output-outcome indicators that exacts accountability from the local government units (LGUs).
LGU SAN QUINTIN, PANGASINAN is a consistent SGLG PASSER for its performance through the years and I am so honored to be the one receiving the SGLG.
To God be all the Glory!
