Emosyonal ang mahusay at award winning writer/ director na si Atty. Vince Tanada sa premiere night ng controvercial movie na “Ako Si Ninoy” na ginanap sa Cinema 7 ng Rockwell Center habang ikinukuwento kung gaano ka-espesyal sa kanya ang nasabing pelikula.
Ayon kay direk Vince, “In 1983, my late dad brought me to the biggest funeral in Philippine history. At age 10, I was part of the two million who attended. And for some reason, maybe because of the large group of people who attended, my dad lost me. Eventually he found me, clinging tightly to the black fabric connected to the big truck serving as Ninoy’s funeral hearse.”

Dagdag pa nito, “Hanggang sa panahong ito, hindi ko po maintindihan ang relevance ng kuwentong iyon ng tatay ko kasi I was 10. Tuwing nag-iinuman sila kasama ng mga barkada niya, lagi niyang ipinagyayabang na nawala raw ako at natagpuan niya ako na yakap-yakap yung tela sa truck ni Ninoy. But tonight, alam ko na po ang dahilan. Nais ko pong magbigay sana ng tribute kay Ninoy gamit ang aking sining. Kaya lang po, alam kong hindi iyon ang gusto niya.”
“In 2009, the Benigno Aquino Foundation commissioned me to write a stage musical entitled Ako Si Ninoy. And I remember the exact words of late President Cory Aquino. She said, ‘Don’t write only about us. Write also about our people. Well, humble talaga si Tita Cory. Ako naman, bilang bagong manunulat noon, sumunod. At ngayon, eto na nga po iyung pelikula natin. It is only tonight that I understand the relevance of the triumvirate, that powerful triangle, that invisible tie Ninoy, Cory, and the Filipino people.”

“Pasensya na po kayo, nanloko po ako. Pasensya na po sa pamilya. Hindi po ito Ninoy biopic. Bagama’t yun ang prinomote namin sa lahat, hindi po ito tungkol kay Ninoy lamang kasi ayaw ko pong magalit si Ninoy at si Cory sa akin. Tungkol po ito sa atin bilang isang nasyon. Tungkol po ito sa ating mga kababayan. At pagkatapos po akong libakin. Nagsimula nung Katips at mas lalo ngayon. I still have faith in the Filipino people.”
“At sa pamamagitan po ng pelikulang ito, sana, I know that this may not be much, pero sana, masabi pa rin natin that the Filipino is worth living for, that the Filipino is worth fighting for, and ultimately the Filipino is worth dying for. Maraming salamat po,” pagtatapos ni Direk Vince.
Mapapanood ang Ako Si Ninoy simula February 22, 2023 sa mga sinehan nationwide sa panulat at direksyon ni Atty. Vince Tanada. Pinagbibidahan ito nina JK Labajo, Sara Holmes, Johnrey Rivas, Marlo Mortel, Pinky Amador, Bodgie Pascua, Donita Nose, Tuesday Vargas,Sarah Javier, Nicole Laurel at marami pang iba.
