Nagsimula ng mamahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga naapektuhan ng Severe Tropical Storm Paeng.
Ang kanilang ipapamahagi na relief items sa lugar ng Bangsamoro Region partikular dito sa lugar ng Maguindanao at Cotabato.
Sa Luzon ay inuumpisahan na rin ang pag-asikaso na ipa-deliver ang lahat ng mga ayuda sa lugar na naapektuhan ng bagyong Paeng, sa bayan ng Quezon, Batangas at Rizal.
Ang food packs na ipapamahagi sa may pamilyang mayroong limang miyembro ay puwede na raw magtagal nang hanggang tatlong araw.
Patuloy umano ang pag-manufacture ng mga pang family food packs ng DSWD production centers nito.
Ayon sa sinabi ni DSWD Usec Eduardo Punay na bago pa manalasa ang bagyong Paeng, ay naka pre-positioned na ang 500,000 food packs nito.
Sa pamamagitan ng mga rubber boats humingi na rin ng tulong sa Philippine Coast Guard na maihatid ito sa mga pamilyang malapit sa mga karagatan at maibyahe ang mga relief items sa mga iba pang lugar, agaran naman rumisponde ang ating Philippine Coast Guard gamit ang kanilang mga rubber boats nito.
Ang ahensiya ng Department of Interior and Local Government (DILG) nagbigay rin umano na kanilang mga personnel para tumulong sa repacking ng mga food items.
