Suportado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang inihaing bill ng ACT-CIS Partylist na buwanang cash ayuda para sa mga mahihirap na Persons with Disabilities (PWDs).
Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, “Napapanahon na bigyan ng buwanang financial assistance ang mga mahihirap na PDWs lalo na yung mga nakaratay na lamang sa higaan. Kahit pambili lang ng maintenance o pangkain para hindi sila pabigat sa kanilang pamilya.”
Giit ni ACT-CIS Congressman Jeff Soriano, tanging mga PWD sector na lang ang walang cash assistance mula sa pamahalaan.
“Ang solo parent may isang libo sa LGU at ang mahihirap na senior may 1K kada-buwan sa DSWD, pero ang PWDs ay puro discount lang.”
