Ngayon nalalapit na ang Araw ng mga Patay, atin pong pinaghahandaan ang pagdalaw natin sa ating minamahal sa buhay na namayapa, sa pamamagitan po na maging malinis at maaliwalas ang ating sementeryo sa araw ng pagdalaw, kung kaya’t bahagya po natin itong pinalinis sa pamamagitan ng ilang punong kahoy na dapat alisin dahil ito ay sanhi na sagabal sa daan, pagtatanggal ng makakapal na damo at ilan pa na dapat alisin sa lugar ng sementeryo upang maging masiayos ito.

Makikita sa larawang ito ang dating sementeryo na puno na damo dahil sa taon narin ito na hindi naiaayos at nalilinis, kaya’t mula sa ating butihing Mayor Florence Pagaduan-Tiu agarang niyang pinalinis ito para sa darating ng Araw ng mga Patay.
Ang ating mayora at nagpaalala sa ating mga minamahal na kababayang pupunta po sa ating sementeryo, na hangga’t maaari po ay iwasan nating magkalat at itapon natin sa tamang tapunan ang ating mga dalang basura upang mapanatili po natin ang kalinisan sa lugar, at maging maayos rin ang himlayan ng ating mahal sa buhay.
Mula po ating Mayor Florence Pagaduan-Tiu Stay-Safe po sa ating lahat, at panatilihing maging mag-ingat ang bawat isa.