Ibinenta ng pop icon at hitmaker na si Justin Bieber ang kanyang music publishing at catalog shares sa Blacktone-Backed Hipgnosis Songs Capital sa halagang 200 million dollars.
Kinumpirma ito ng kumpanyang Blackstone matapos ang ilang linggong rumor na ibebenta na umano ng 28-anyos na si Bieber ang kanyang music rights.
Bukod kay Justin Bieber, ibinenta rin nila Justin Timberlake at Shakira ang malaking parte ng kanilang music rights sa Hipgnosis.
Ayon sa deal, nakuha na ng Hipgnosis ang publishing copyrights ni Bieber sa kanyang 290-song back catalogue kabilang na ang kanyang writer’s share.
