Ngayon araw ng August 4, 2022 (Huwebes), pinangunahan ng ating Ina ng Bayan ng San Quintin, Pangasinan na si Mayora Florence Pagaduan Tiu, nais ni mayora na ipamahagi nito ang pension ng mga benepisaryong mga Senior Citizens ng San Quintin, kasama nito sina Chairwoman Madam Sonia Roldan at ang kanyang mga staff na sila Flor Mostrales, Gemma Servantes at mga taga MSWDO-RSW head na si Madam Delia C. Quero kasama din nito sila Emerose Lictawa at Ysmael M. Autor.

Patuloy ang mga tauhan ng San Quintin, na masiayos ang lahat ng mga kakailanganin para sa mamamayan na maipamahagi ang kanilang benepisaryo para sa mga Senior Citizens na makakatanggap nito. Inaayos din ng mga tauhan ang pag iinterview at ini-evaluate isa-isa para maupdate ang kanilang listahan para maging sigurado sila na mabigyan ng maayos ang kanilang benepisyo.
Isinasaayos rin ng ating buthiing mayora Florence Tiu sa lahat na kung sino pang hindi pa napabakunahan habang ito’y nagaantay ay nakiusap ito sa mamamayan na magsadya muna sa kanilang Vaccination Booth upang mapabakunahan muna ito habang inaantay pa nila ang kanilang payout, nasa likod lamang ito at hindi na kinakailangan pang lumayo para pumunta sa RHU. Ang LAKAS’PINAS rollout ay proyekto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layunin nito na mapabakunahan ang lahat ng Senior Citizen sa bansa, kailangan nito na matapos ang 1st at 2nd dose nito.

Ayon kay Mayora Florence Tiu, layunin din niya na mapabakunahan na rin ang mga bata na nasa edad na 5 pataas. Bago umalis si Mayora tiniyak niya muna na maging maayos ito bago siya dumalo sa isang kasalan.

