Higit kumulang 3,500 na katao na tutungo sa Quirino Grandstand sa Manila para sa “Salamat PRRD” thanksgiving concert ngayong gabi.
Ito ay ang mga supporters ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong tumakbo siya noong 2016 elections.
Ang venue kung saan gaganapin ay naging venue rin noong 2016 ni Pangulong Duterte at ginamit din nilang miting de avance ng pangulo.
Ang thanksgiving concert na gaganapin ay hindi lamang ito para sa pasasalamat ng Pangulo sa nakaraang anim na taon panunungkulang bilang president ng ating bansa, isa rin itong pagkilala sa kanyang mga fans at supporters ng pangulo na sila’y sumuporta sa kabila ng mga kritisismo, banggit ng kanyang event director na si Niel De Mesa.
Ilang minuto bago mag-alas syete ng gabi dumating si Pangulong Duterte sa Qurino Grandstand.
Kasama niyang dumating ang kanyang maybahay na si Honeylet Avaneña maging ang darating na Senator Robin Padilla at ang kanyang kaibigan na Sen. Bong Go.

Kabilang sa mga nag performs sa concert ang batikang Rapper na si Andrew E., si Dulce, Chad Borja, Ice Sequerra, Freddie Aguilar, Jed Madela, Isay Alvarez, Martin Nievera, Robert Seña, Jimmy Bondoc, Moymoy Palaboy at ang Philippine Philharmonic Orchestra.
