Napuno ng fireworks at magarbong opening ceremony ng 2022 FIFA World Cup sa Qatar.
Pinakita ang mga pailaw at mga fireworks nito na sinundan pa ng pagpapakita ng mga watawat ng mga bawat bansang kalahok, mascots at ang mga jerseys ng mga koponan, matapos ang opening speech ni Sheikh Tamim bin Hamad At-Thani ang Emir ng bansang Qatar.

Isinagawa ang dasal na Holy Quran ni Ghanel Al-Muftah na isang 20-anyos na Qatari na isinilang na mayroong Caudal Regression Syndrome (CDS) na may sakit at ang kaniyang lower spine nito ay hindi nabuo.
Mas lalong sumaya ang mga manonood sa Al Bayt Stadium sa Alkhor ng lumabas ang Korean boy group member na BTS na si Jung Kook.

Kinanta ng grupo nito ang official world cup song na “Dreamers” at kasama sa grupo ang isang Qatari singer na si Fahad Al-Kubaisi.
Nakapagtala rin ng record ang FIFA sa kita sa kanilang opening ceremony kung saan mayroong aabot na halagang $7.5 bilyong kita nito na 1 bilyong mas mataas pa kaysa sa 2018 sa bansang Russia.
Matapos nito lumabas ang mga mascots sa nasabing ceremony at pinatugtog ang mga theme songs ng nagdaang World Cup.
Ang beteranong si Morgan Freeman ay kinuha bilang isang narrator para sa opening ceremony ng FIFA World Cup 2022 sa Al Bayt, Alkhor Qatar.
