Finally, after 3 years in the making, nakatakda nang ipalabas ang pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told under Borracho Film Productions ng kontrobersyal na abogado at prodyuser na si Atty. Ferdie Topacio.
Ayon kay Atty. Ferdie, “It has been a long, hard battle…but finally, maipalalabas na siya sa December 25″.
Talagang inilaban ni Atty. Topacio ang pelikula dahil may kurot ito sa kanyang puso kung saan siya ang abogado ng mga magulang ng mga namatay na SAF 44.
“This is a project close to me because ako yung abogado ng mga magulang ng SAF 44. Kung igu-Google niyo, ako yung nag-file ng kaso against President Noynoy Aquino one day after he stepped down from power.
Kasi, pag presidente, immune from suit, e. Nu’ng wala na siyang immunity from suit, idinemanda na namin siya for the deaths of the 44 SAF troopers,” paliwanag nito.
Nakatakda sana itong ipalabas sa Nobyembre 30 kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes Day. Luckily, nakasama ito sa Magic 8 ng MMFF 2022.
Papalagan nga ni Atty. Topacio ang ‘First Day, Last Day’ sa mga sinehan.
Aniya, dapat ang mga may-ari ng sinehan ay pagbigyan ang mga kalahok na maipalabas ito hanggang sa matapos ang festival.
Katwiran nito, ‘Yan ang depekto ng MMFF. It’s supposed to be a festival. You’re not supposed to narrow down the choices. Pinili mo yung 8 na worthy contenders, so they’re worth to be seen. Anong klaseng festival ‘yan kung puro gross ang tinitingnan.”
Aminado naman ito na kaya siya sumali ay para ma-criticize niya pamunuan ng MMFF festival.
“E kaya nga ako sumali e. Para ma-criticize ko sila kasi kung wala ako, wala akong karapatan pero ngayong kasama sa Top 8 ang Mamasapano, talagang mag-iingay ako hangga’t hindi nyo binabago ang sistema nyo. Bahala kayo sa buhay n’yo.”
Hindi na umaasa ng malaking kita ang first time producer, maipalabas lang ito at maibahagi sa mga moviegoers ang katotohanan. Bonus nalang daw kung kumita at makakuha ng awards, it’s just icing on the cake. Pero sana raw ay kahit maka-break even para makagawa pa ulit ng mas makabuluhang pelikula.
“Wala namang problema, marami na ngayon streaming platforms and international filmfest. Kung ang gusto nila panoorin e, ‘yung kulot na buhok ni Ivana, bahala sila,” biro nito na kung saan may entry din si Ivana kasama si Vice Ganda, ang Partners In Crime.
Kabilang nga sa cast ng Mamasapano: Now It Can Be Told sina Edu Manzano bilang Gen. BenjaminMagalong, Paolo Gumabao as Supt. Raymond Train, Aljur Abrenica as Lt. Allan Franco, Allan Paule as Gen. Getulio Napenas, Ritz Azul as Mary Ann Rivas of NBS network, Myrtle Sarrosa as Gladys Villar of GNN network, Claudine Barretto as Erika Pabalinas, Rey “PJ” Abellana as Col. Pabalinas, Gerald Santos as Sgt. Lalan, Rez Cortez as Gen. Alan Purisima, Juan Rodrigo as Secretary Mar Roxas, Jervic Cajarop as President Noynoy Aquino, Ronnie Liang, Jim Pebanco as Chief Supt. Noli Talino, Jojo Alejar as PDir Catalino Rodriguez, Jojo Abellana as S/Insp Recaredo Marasigan, LA Santos as Senior Insp John Garry Erana, Kuya Manzano as Foreign Peacemaker, Tom Olivar as Supt Michael Mangahis, Richard Manabat as Mendez, Apollo Abraham as Col. Gener del Rosario, Rico Barrera, Marcus Madrigal, AJ Oteyza, Marco Gomez, Rash Flores, Elmo Elarmo, Nathan Cajucom.
Gumaganap din na reporter sina Erika Mae Salas, Janah Zaplan, Tori Topacio.
Gumaganap naman as BOI (Bureau Of Inquiry) sina Jose Lejano (Ronald ‘Bato’ dela Rosa), Atty. Ferdie Topacio (John Sosito), Gani Oro (Roberto Po), Louie Gamboa (Cesar Binag), Bisdak (David Joy Duarte), Jigs Magpantay (Benigno Durana), Allan Sancon (Videographer), Kate Brios as BO1 Secretary.
Matatandaang si Law Fajardo ang unang direktor nito at tinuloy ni direk Lester Dimaranan nung January 2022.
Sa interbyu naman noon sa award winning actor na si Edu Manzano kaya niya tinanggap ang role ay dahil…”For the love of our country and to get the truth so that the families of the slain SAF officers can find closure.”
Aminado naman ang scriptwriter na si Eric Ramos na ito ang pinakamahirap na script na sinulat niya dahil hindi pwedeng imbento kaya todo ang research niya.
“The primary source of the movie is the report made by the PNP Board of Inquiry led by Gen. Benjamin Magalong, which is very thorough,” giit ni Erik.
Samantala, very challenging para kay Gerald Santos ang role niya as Christopher Lalan, ang tanging nakaligtas sa grupo.
“Very challenging talaga siya, kasi maraming action. Gumulong din kami sa putikan tapos nakabilad kami sa maisan habang tirik na tirik ang araw. Matinding habulan at takbuhan. Pero nakita ko worth it lahat ng effort namin nang mapanood ko sa premiere night sa Baguio City. I’m really proud to be part of this movie.”
At ang good news, during presscon, inanunsyo ni Atty. Topacio na may next in line na siya, ang Spring in Prague na kukunan sa Europe.