Suspendido pa rin ang mga operasyon ng e-sabong at pagla-live stream sa buong bansa base sa inisyu ni Pangulong Bongbong Marcos na Executive Order (EO) No. 9.
Bunsod ito na obligasyon ng gobyerno na protektahan ang ‘public health’ at ‘morals’ ng mga Pilipino at i-promote ang pagprotekta sa public safety ng publiko.
Sa ilalim pa ng EO, pinaiigting pa sa mga law enforcement agencies ang crackdown laban sa mga iligal na e-sabong.
