Nasa Pinas ngayon ang controversial at sexy siren nung dekada 90 na si Marinella Moran na naka-base na sa Singapore at alaga ng kaibigang si Lito de Guzman.
At sa kanyang pagbabalik, gusto nitong muling umarte na na-miss niya ng 8 taon. Plano rin nitong magprodyus ng pelikula kung saan balak nitong isama ang mga nakatrabaho noon na sina Ynez Veneracion, Yda Manzano, Hazel Espinosa atbp.

Wala naman daw itong balak isama ang nakapanabayan noon na si Ramona Revilla dahil nayayabangan ito sa dating sexy star na panay ang post ng mamahaling bagay sa social media habang ang daming mga Pilipinong naghihirap at nagugutom.
Tsika nga ni Marinella, imbes na mag-post ito ng mamahaling gamit, tumulong na lang siya sa ating mga kababayang naghihirap.
Nakatakda rin itong magtagal sa Pinas para mas magkaroon ng connect sa mga Entertainment press na nakasama niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz at makatulong na rin sa mga kaibigan.
