Sinabi ni Social Welfare Undersecretary Edu Punay na magpapatupad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng “3-strike policy” laban sa mga magulang na hinahayaan ang mga anak na pagala-gala sa lansangan.
Kapag tatlong beses nang nasagip sa lansangan ang isang bata ay kukunin na sila sa mga magulang at ilalagay sa “foster care” ng gobyerno.
“Ang implementation po nito naman ay kailangan ang partnership ng local government units po dahil talagang kailangan natin ng hand-in-hand na implementation nito and in the first place sa kanila po ang jurisdiction and isu-supplement lang natin o tutulongan lang natin ang LGU na mag-implement po nito,” saad ni Punay.
