Nagpaabot ng pakikiramay si President Ferdinand Marcos Jr. sa mga naulila sa ex-president Fidel V. Ramos.
Samantala, nagpaabot rin ng pakikiramay ang dating Pangulong Joseph Estrada sa pagpanaw ni Ramos.
Ang pamilyang Marcos ay nagdadalamhati matapos ang malungkot na balita sa pagpanaw ng dating pangulo ng pilipinas ngayong araw.
Taos puso itong nakikiramay sa buong pamilyang Ramos lalo na sa kanyang maybahay na si Ming Ramos.
Namatay si Ramos na inialay ang buong buhay sa bayan bilang isang military officer at public servant nito, nawalan ang bansa ng isang magaling na leader kundi nawalan din ng isang miyembro ng isang pamilya.
Nanawagan ang Pangulong Marcos Jr. ng isang taimtim na dasal para sa dating pangulo.
“I call on all Filipinos to pray for the eternal repose of Mr. Ramos. The legacy of his presidency will always be cherished and will be forever enshrined in the hearts of our grateful nation,” ani Marcos sa kanyang Facebook post.
Naglabas ng statement ang pamilya ni Ramos ngayong gabi lamang. Labis na ikinalulungkot ng kanilang pamilya ang pagpanaw ng kanilang ama sa edad na 94-anyos.
Labis naman ang pasasalamat at respeto ng sambayanan sa kanilang privacy habang nagluluksa ang kanilang pamilya.
Iaanunsyo naman ng kanilang pamilya ang lamay at funeral arrangements ng dating pangulo sa susunod na oras.
Si dating pangulong Ramos ay ika-12 pangulo ng bansa, nalulungkot ang buong bansa sa kaniyang pagpanaw.
Mga kasama niya sa Senado ay nagpaabot na rin ng pakikiramay sa pagkamatay ni ex-President Ramos. Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, nawalan daw ang bansa ng “truly brilliant man.”
“President Ramos was probably one of our brightest leaders, who always seemed a step ahead of everyone. Maybe it was his military background, but as a politician he was always able to quickly assess the landscape and formulate the best way forward through consultation and consensus.That was his legacy as President—he left behind a brand of democratic leadership that allowed for us to grow into the new Asian tiger of the nineties,” ani Zubiri sa isang statement.
Ayon naman kay Senator Ramon Bong Revilla Jr., labis itong nalungkot sa pagpanaw ni Ramos na tinawag niyang “father in public service.”
“Napakabigat at napakalungkot pong balita ang pagpanaw ng aking itinuturing na ama sa paglilingkod-bayan, President Fidel V. Ramos,” ani Revilla sa isang statement.
“He was my first and true mentor as I forayed into politics, being elected as Cavite’s Vice Governor in 1995. Up to this day, FVR is an inspiration and an example I greatly look up to. Hindi matatawaran ang naging pamana ni FVR sa bansa. Sa pamamagitan ng kanyang pamumuno ay umahon ang Pilipinas mula sa mga krisis na bumabalot sa bawat pilipino ng mga panahong iyon. His legacy is the foundation upon which later administrations have built upon. He transformed the Philippines from being the sick man of Asia to the Tiger of the Region,” ani Revilla.
“He was my first and true mentor as I forayed into politics, being elected as Cavite’s Vice Governor in 1995. Up to this day, FVR is an inspiration and an example I greatly look up to. Hindi matatawaran ang naging pamana ni FVR sa bansa. Sa pamamagitan ng kanyang pamumuno ay umahon ang Pilipinas mula sa mga krisis na bumabalot sa bawat pilipino ng mga panahong iyon. His legacy is the foundation upon which later administrations have built upon. He transformed the Philippines from being the sick man of Asia to the Tiger of the Region,” ani Revilla.
Para kay Senator Nancy Binay, nawalan daw ngayon ang bansa ng “leading lights.”
“The Filipino people lived in a time of hope during former President Fidel Valdez Ramos’ tenure. FVR oversaw massive economic gains for the country that were translated to programs for the welfare of the people,” ani Binay sa kanyang Twitter post.
Ayon kay Binay, inenjoy daw ng mga Pinoy ang peace, stability at development sa ilalim ng kanyang leadership.
“Sa pamumuno ni FVR, tinamasa ng sambayanan ang kapayapaan, katatagan, at pag-unlad. Sa panahong ito ng matinding kalungkutan, kaisa ako ng sambayanang Pilipino sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng isang mahusay, epektibo, at dakilang pinunong nakilala ng bansa,” dagdag ng senadora.
Nakikiramay ang buong Senator sa pagpanaw kanilang naging pangalawang ama sa larangan ng politika at isa siyang “great and respected leader” ani Sen. Lito Lapid.
Isang pakikiramay ang inilarawan naman ni Sen. Grace Poe si Ramos na “steadfast leader and demoracy icon.”
Ayon kay Sen. Villanueva, lagi raw maaalala si Pres. FVR dahil sa pangunguna nito sa bansa sa bagong millennium. Ang kanyang pangarap din na gawing ‘Tiger Economy’ ang bansa ay laging buhay sa ala-ala ng mga Pilipino.
“His iconic thumbs up sign and his ‘Kaya Natin’ mentality will continue to give us inspiration to push for progress in our country,” ani Villanueva.
Pinasalamatan din ni Senator Christopher “Bong” Go si Ramos sa pagiging sundalo, gentleman at ama ng bansa.
“With deepest sympathy, I join a grateful nation in sharing our grief with the family of former president Fidel V. Ramos who died today. FVR, as he is fondly called, paved the way for our global competitiveness under his Philippines 2000 platform. The many success stories under his administration become relevant again as we gradually emerge from the pandemic and regain our position in the regional economic arena,” sinabi ng senador.
