Nagpositibo sa Covid-19 si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa kanyang resulta ng kaniyang pinakahuling RT-PCR test bilang requirement sa pulong sana ng kaniyang dadaluhan sa Malacañang.
Ayon sa kalihim nito kinumpirma sa isang pahayag na bahagi ng kasalukuyang naka isolate at naka-work from home si DILG Secretary Abalos habang nagpapagaling ito.
Inatasan ni Abalos ang Philippine National Police (PNP) ayon sa naturang pahayag nito na magsagawa ng contact tracing measures upang malaman niya kung sino-sino ang kaniyang nakasalamuha kabilang din aniya ang mga indibidwal na kaniyang nakakasama araw-araw lalo na sa isang press conference sa Camp Crame noong Linggo, Oktubre 9, 2022.
Dahil dito umapela rin siya sa lahat ng kanyang nakasalamuha nito sa mga nakalipas na dalawang araw na i-monitor ng mga ito ang kanilang sarili. Samantala pinayuhan naman din niya ang mga ito na sumailalim sa isang pagsusuri at self-quarantine sakaling makaramdam ang ito ng sintomas ng Covid-19.
Nasa mabuting kalagayan naman na si Abalos at laking pasasalamat pa rin niya dahil sa kaniyang booster shot kasabay ng paglilinaw na siya ay asymptomatic.
Patuloy pa rin niyang hinimok ang mamamayang pilipino na magpabakuna na kontra Covid-19 bilang dagdag na proteksyon sa kanilang sariling kalusugan at para sa kanilang pamilya.
