Actor na si Dominic Roco nahulihan ng iligal na droga sa townhouse sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.
Kasama sa mga naaresto ang isang babae at tatlong iba pang mga lalaki sa isang operasyon ng mga Quezon City police.
Ang mga hinihinalang gramo ay aabot sa 15 grams ng shabu at 10 gramo na kush o high grade marijuana ang lahat ng nakumpiska sa suspek.
Ayon sa otoridad hinahanda na nila ang kaukulang kaso laban sa mga suspek kabilang na rito ang actor na si Dominic Roco.
