Ni Marianito Lumayno
Nanumpa ang mga bagong halal kahapon ng mga opisyales na bagong itinatag na samahan ng Solo Parents Federation sa opisina ni butihing Mayor Florence Pagaduan-Tiu, sa pamumuno ni Ms. Maria Cristina Ventura at sa mga bagong elected officers ng Child Development Workers ni Ms. Judith Maltu.

Taos-pusong bumabati ang ating butihing Mayor Florence Pagaduan-Tiu sa ating mga bagong nahalal na opisyal ng Solo Parent Federation sa ating minamahal na bayan sa pamumuno ni Maria Cristina Ventura, SPF President, gayundin sa mga bagong halal na opisyal ng Child Development Workers sa ating bayan ng pinamumunuan ni Ms. Judith Maltu, sa kooperasyon at tulong ng ating Municipal Social Welfare Department na walang sawang tumulong sa lahat ng pangangailangan hindi iniinda ang pagod na kanilang naramdaman matulungan lang ang bawat mamamayan na nangangailangan lalo na ang Solo Parents ng ating bayan.
Ang Solo Parents Federation ng Bayan ng San Quintin upang magbigay ng suporta sa kanilang samahan, layunin nito na paigtingin ang kanilang koneksyon at magkaroon ng magandang samahan o ugnayan ang bawat isa na matulungan sa private organization at gobyerno na maipatupad ang organisado at mapayapang samahan, komprehensibong programa at serbisyo para maiangat ang kanilang pamumuhay ng bawat miyembro ng kanilang samahan.
Nagpasalamat ang ating butihing Mayora Florence Pagaduan-Tiu sa lahat ng tulong at suporta na binigay sa kanila.
