Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay patungong Phnom Penh, Cambodia mamayang alas 5:00 ng hapon, para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits.

Inaasahang ilalatag ng Pangulo ang patungkol sa post-pandemic economic recovery at iba pang prayoridad, Kabilang dito ang food security, digital transformation, digital economy, energy security at ilang mga kinalaman sa climate change.
Sa kanilang pagpupulong inaasahang sa related summits na mairerepaso ang mga kasalukuyan at mga bagong areas of cooperation at palitan ng pananaw sa pagitan ng Asean at dialogue partners nito.
Bukod sa pagdalo ni Pangulong Marcos Jr. sa summits makikipagpulong siya sa mga Filipino community sa Cambodia mula Nobyembre 10 hanggang 13.
