By Rommel Placente, Showbiz Intrigue
Nasa Pilipinas ngayon ang Japanese rapper-singer at businessman na si Tomoro. Mag-i-stay lang siya rito ng limang araw.
Ang aktor na si Polo Ravales katuwang ang kanyang wife na si Paulyn ang tumutulong kay Tomoro para magkaroon ng fan base sa ‘Pinas.
Pero nilinaw niya na hindi siya ang tumatayong manager nito.
Ang unang step na ginawa ni Polo para kay Tomoro ay nagpatawag siya ng meet and greet with the press and influencer para maisulat at maibalita si Tomoro at ang kanyang latest single na Let Me Hold You ka-collab ang American-Jamaican singer na si Sean Kingston. May music video ito featuring Arci Munoz.
Sabi ni Polo, “Subukan natin na tulungan siya (Tomoro). Kasi baka kapag naging successful siya sa Pilipinas, ay magfoigay siya ng trabaho sa mga kasamahan natin sa industriya, ‘di ba?”
May plano ba silang turuan na magsalita ng Tagalog si Tomoro at gawan ng rap song para mapalapit sa mga Pinoy?
“Tingin ko po interesado siya na gawin ‘yun (rap song). Pero siyempre, inaayos muna niya ‘yung matuto siya ng English. Kasi, all over the world yung gusto niyang ima-market (yung kanta niya). Kasi sa Japan, hindi nga masyadong tanggap ang rap song”.
Si Tomoro ay single pa. At sa tanong kung may posibilidad ba na magkagusto siya sa isang Filipina, ang sagot niya ay ”Yeah”.
***
Perry Escano magdidirek ng 3 show sa Kumu App

Sa September 29, Thursday ay mapapanood na sa Kumu app at MPJ Network YouTube Premium channel ang 3 Kumu show mula sa MPJ Network. At ito ay ang Kids Toy Kingdom, 6pm, hosted by singer Hannah Ortiz and Tom Leano, Millenials Lifestyle ,at 7pm,hosted by singer Sofi Fermazi, Chesca Orolfo, Archie Alcantara and Lyra Sloan with pilot guest Marie Preizer at Simply Equisite, 8pm, hosted by in-demand event host Nicky Gilbert with guest Pearl Gonzales
Ang mahusay na direktor na si Perry Escano ang sumulat at magdidirek ng nasabing tatlong shows sa Kumu.
Si Direk Perry din ang tumatayong manager ng young hosts and new faces sa showbiz industry.
“Tatalakayin sa Toy Kingdom ang paboritong toys ng mga bata at yung mga toy collectors. And of course sa Millenials Lifestyle naman po, nandito po yung mga trends sa music, of course sa concert,sa bands. Magta-topic din po tayo rito tungkol sa buhay ng mga millenials.
“Yung Simply Equisite naman po, tungkol po ito sa mga fashion po, yung mga dress accesories, tungkol rin sa lifestyle ng mga celebrities. Of course tatalakayin din po rito professional models and ‘yung mga designers po natin,”sabi ni Direk Perry tungkol sa tatlong shows.
