Ayon sa Philippine Space Agency ang debris mula sa Rocket ng China na Long March 7a (CZ-7A) ay binabantayan na maaring mahulog ito mula sa kalawakan ang mga ilang piraso o mga ilang bahagi mula sa rocket ay posibleng bumagsak ito sa Pilipinas o sa bandang bahagi ng Ilocos Norte at Cagayan.
Ang nasabing rocket mula sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan Island na inilunsad dakong 9:19 ng gabi nitong Martes lamang ayon sa PhilSA.
Matapos silang makatanggap ng abiso mula sa Civil Aviation Administration ng China, ang estimated na drop zones ng mga debris nito ayon sa ahensiya ang drop zone ay kanilang na-identify ay sa layong 71 kilometers mula sa Burgos, Ilocos Norte habang ang drop zone nman na 2 ay tinatayang layong 52 kilometers ng Sta. Ana Cagayan.
Gayun paman hindi naman ito tatama sa kalupaan ngunit makakaapekto naman ito sa dadaanan ng debris mula sa mga barko at eroplano.
Kung ating matatandaan noong July ay mayroong debris na rin ang nakita sa ating karagatan ng Pilipinas mula sa Long March 5B rocket nito ng China.
Ayon sa ahensiya nito nanawagan sila na agarang ipaalam kung sinumang makakita ng mga debris ng nasabing rockets ng Chinese.
