Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na aabot sa higit 800 na mga tauhan ang kanilang idedeploy sa araw ng itim na Nazareno sa (Enero 9, 2024) araw ng Martes.
Sinabi ni acting MMDA Chairman Atty. Don Artes ang mga ito ay magbabantay sa kabuuan ng Translacion sa darating na Martes.
Magtatalaga rin sila ng mga personnel, upang maging mapayapa ang selebrasyon ng Itim na Nazareno, bukod rito ay maglalagay rin sila ng mga Ambulansya at Road Emergency at Patrol Vehicles para matugunan ang pangangailangan ng taong bayan sa ano mang mangyayaring aksidente sa Translacion ng Itim na Nazareno nito ay handa sila ano mang oras.
Ang mga kapulisan sinabi pa nito anumang oras ay nakaalerto ang kanilang mga tauhan, ang command center naman para imonitor ang pinakahuling kaganapan ng Translacion.
Patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang clearing operations sa mga Sidewalk na pagdaraanan ng Itim na Nazareno, para makaiwas sa anumang mangyaring magaganap sa darating na Translacion.
