Namigay ng pagkain at cash ang sexy actress na si Ivana Alawi, bilang pasasalamat dahil umabot ng mahigit 15.7 million na subscriber sa kanyang Youtube Channel.
Namahagi ito ng 8,000 na food packs at higit P1.2 million na pera sa mga mahihirap na pamilya sa Metro Manila.
Nagpapasalamat ito sa kanyang mga subscriber na patuloy pa rin silang naniniwala at tumatangkilik sa kaniyang mga vlogs na ginagawa nito.
Ang plano sana na maipamigaay nila ang 15,000 packs subalit dahil sa kapos sila sa mga tao kaya mga 8,000 packs lang muna ang naipamigay nila.