By Marianito Lumayno
Kailyans!
Dahil sa pananalasa ng bagyong Karding kahapon, pansamantalang naantala ang ating Tourism Month Celebration. Ngunit, sa kagustuhan ng ating mga kababayang makalahok sa mga nasabing kompetisyon, ang ating selebrasyon ay RE-SCHEDULED at gaganapin bukas hanggang Huwebes (September 28-29, 2022).
Magaganap ang Cookfest bukas, September 28, 20222 @ 10:00AM sa ating Municipal Event Center kung saan magtatagisan sa pasarapan ng pagluto ng ating “One town One product” – Longganissa at ilang mga native delicacies ang lahat ng kasali sa kompetisyon.
Samantala, magpapakitang gilas naman ang ating mga estudyante sa pagguhit ng kani-kanilang sariling likhain patungkol sa temang “Rethinking Tourism” sa September 29, 2022 @1:00PM sa ating OSCA building.
Ang Tourism Month Celebration na ito ay handog sa atin ng Lokal na Pamahalaan ng San Quintin sa pangunguna ng pinakamamahal na Alkalde ng ating Bayan, Hon. Florence Pagaduan Tiu.