Tinawag na “anti-poor” at “discriminatory” ni Sen. Raffy Tulfo ang kautusan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagbabawal sa mga palengke na magbenta ng mga isdang pink salmon at pampano.
Suportado naman nina Sen. Grace Poe, Senate Minority Leader Koko Pimentel ang patawag na pagdinig ng Senate Committee on Agriculture na pinamumunuan ni Sen. Cynthia Villar para pagpaliwanagin ang mga opisyal ng BFAR.
Giit pa ni Pimentel, kailangan pag-aralan ng Senado ang paghihiwalay ng BFAR mula sa DA para higit nila itong mabantayan.
Matatandaang sinabi ng BFAR na simula Disyembre 4 ay kukumpiskahin na ang mga pink salmon at pampano sa wet market alinsunod sa BFAR fisheries administrative order no. 195 na maaari lang itong ibenta sa mga restaurant at mga kumpanya sa canning at processing industries.
