Nag-viral ang post sa Facebook ng isang ina sa Texas, U.S. na kung saan umabot ng 31 cheeseburgers ang naorder ng 2-anyos na anak nang paglaruan nito ang kanyang cellphone.
Ayon kay Kelsey Burkhalter Golden, iniwan niya sandali ang kanyang smartphone nang aksidenteng mapindot ng anak na si Barrett ang American food delivery app na DoorDash.
Pinamigay nalang ni Kelsey ang mga cheeseburgers sa kapitbahay nang matanggap niya ito sa riders.
