Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magliliwanag ang kalangitan sa bansa dahil sa meteor shower o pag-ulan ng mga bulalakaw simula Disyembre 3 hanggang 17.
Masisilayan ng lahat ang meteor shower sa Disyembre 14.
Samantala, mag-uumpisa naman ang Ursid meteor shower simula sa Disyembre 17 hanggang Disyembre 26, ang pagtingkad ng kalangitan dahil sa pagbuhos ng mga bulalakaw sa Disyembre 23.
Pinayuhan naman ng PAGASA ang publiko na pumili ng madilim na viewing area na malayo sa mga ilaw sa paligid para masulit ang panonood ng pag-ulan ng mga bulalakaw.
