Kinalala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Presidential Security Group (PSG) isang pagkilala ng kanilang serbisyo at dedikasyon nitong ipinamalas kahit sa kanilang nakalipas na administrasyon at sa nakalipas na taon.
Isa isang mensahe ng Commander-in-chief isinagawang pagtatapos ng VIP protection course ng PSG, ayon dito sinabi na hindi lamang kapuri-puri ang ginagawa ng mga PSG na kanilang pinangangalagaan ang first family kundi pati na rin ang iba pang VIPs.

Nagpaabot naman ng kaniyang mensahe ang presidential son na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na nagsilbi namang kinatawan ng pangulo ng okasyon nito.
Ang isa sa mga nagsipagtapos sa VIP Protection Course at isa sa bahagi ng Classes 129-2022 at 130-2022 ay ang aktor na si Matteo Guidicelli.
Isang malaking karangalan na siya’s bahagi ng Presidential Security Group ayon kay 2nd Lt. Guidicelli matapos na siya ay mapiling sumailalim sa naturang pagsasanay at maging parte ng isang Elite Forces na mangangalaga sa isang pinuno ng bansa at sa first family nito.
Ang aktor na si Matteo Guidicelli ay isang reservist ng Philippine Army na isang kauna-unahang celebrity reservist nito na maging mapabilang sa miyembro ng PSG.
Nasaksihan naman ng kanyang maybahay na si Sarah Geronimo sa kanyang pagtatapos bilang 2nd Lieutenant Matteo Guidicelli at mapabilang na bagong miyembro ng Presidential Security Group.
