Handa umano sagutin ng isang showbiz host na si Cristy Fermin sa kasong isinampa sa kanya ng aktres na si Bea Alonzo sa kasong cyberlibel sa korte.
Hinihintay na lamang nito ang kopya ng kasong isinampa sa kaniya upang sagutin ang naturang kaso sa korte.
Sinabi rito ang kaniyang trabahong ginagawa ay nakaakibat na gaya ng kaso tulad ng libel.
Ayon kay Cristy, bilang artista ay ‘public figure’ ito at hindi dapat maging maselan sa lahat ng mga komento na isinasapubliko nito.
Patas raw ang laban giit pa ni Cristy Fermin sa mga komento sa kaniyang programa, ipinauubaya na lamang niya ito sa mga indibidwal kung paano ito sumagot.
Naghain ang aktres noong Huwebes sa Quezon City prosecutors office laban kay Fermin at kasama ring inireklamo ang isang talent manager na si Ogie Diaz sa kadahilanang umano sa mapanirang komento sa aktres.