Snapshots by Anne Venancio-Bendanillo
IBA talaga ang FIRST LOVE, never dies at talagang babalik-balikan mo!
Yan ang nangyari sa The Singing Seafarer or The Singing Captain from Bicol na si Pitz Berina.
Hindi lovelife ang kanyang binalikan huh kundi ang hilig nito sa Musika.

Ang music naman ay walang pinipiling edad, parang pag-aaral lang. Anything goes.
Naging busy bilang Captain si Pitz kaya isinantabi muna niya ang pagkanta and this time, ready na siya to conquer the music industry.
“Wala naman ako regrets na isinantabi ko ang hilig ko at inuna ko ang pagtatrabaho as seafarer. Dahil dun, nakaipon ako, nakapagpatayo ng negosyo at ngayong nasa Pinas na ako, time na para asikasuhin ko ang magkaroon ng album. ‘Di pa naman huli ang lahat, sana magustuhan nila ang Music ko”, ani Captain Pitz.
Why should we love you, of course ang daming singers ngayon?
“My Music tells you kung sino ako. Passion ko kasi talaga ang pagkanta. Ang dami ko niyan sa USB. I’m just being myself, so sana magustuhan nila especially mga millenials”, sey pa nito.
Kung dati raw ay nakikinig lang siya ng mga kanta ng kanyang mga idol sa radio habang nasa loob ng kotse, this time, iba raw pala ang feeling kapag napakikinggan niya ang kanyang boses sa radio.
“Sobrang saya. Ibang achievement. Dati kasi kanta ng mga idols ko ang napakikinggan ko. Iba rin pala ang pakiramdam kapag sariling boses mo na ang naririnig mo. Fulfillment sa akin yun so sana magustuhan nila ang music ko”, aniya ni Pitz.
What exactly is coming up for Captain Pitz?
Another excellent album nga ang ating aabangan kung saan ilan sa mga kanta nito ay sinulat ni Vehnee Saturno kabilang na ang “Kita Ay Mahal”.

Nakapaloob din dito ang 6 pang original songs at 7 cover songs na lahat ay Original Pilipino Music. Kasalukuyang naririnig na din sa inyong mga paboritong radio stations ang ni-revive niyang kanta na “Muli,” mula sa orihinal na awitin ni Rodel Naval.
Kwento nga ng kaibigan nito na si Sir Louie Ocampo na naging daan para makilala nito si Sir Vehnee Saturno.
“Talagang hilig niya ang pagkanta. Sabi ko nga tong taong to, iba ang passion sa Music. Akalain mo bang hindi lang isang usb ang dala niya na puno ng kanta, kundi may iba pa” kaya talagang itinawag ko kay Vehnee na kaku may kaibigan ako na mahilig kumanta at ayun na nga, binigyan siya ng sariling kanta”.
Na-amazed si Captain Pitz nang malaman niya na si Sir Vehnee ang nagkompos ng fave song niya na Be My Lady.
Quota na raw si Captain Pitz dahil nalibot na nito ang buong mundo mula sa pagsampa sa mga barko at pagtatrabaho sa iba’t ibang international cruise lines kaya naman ang paggawa ng album, business dito sa Pinas na ALTITUDE Maritime training and Assessment Center Inc., Paramount gasoline station at ang charity works na muna ang kanyang aasikasuhin.
Achiever na nga maituturing dahil sa natanggap nitong awards sa Asia’s Golden Icons Awards 2022 as Man of Influence outstanding lead entreprener and advocate of quality education.
Kahit nga naggagandahan pa raw ang mga lugar sa ibang bansa, iba pa rin ang Pinas. AT HOME ka talaga ‘pag nasa sariling bahay.
At ngayong nasa Pinas na eto, plano nitong magtayo ng sariling media production at talent agency para makatulong sa mga aspiring artist/talents na may mga natatagong talento sa pagkanta, pag-arte at pagsayaw.
Pinakilala nga sa entertainment media ni Captain Pitz si Kexvin Wolfe na kung saan soon ay ire-release na ang Single.
“Thankful ako kay Sir Pitz dahil ang daming nangako sa akin na tutulungan ako sa Music career ko, pero siya ang tumupad ng dream ko na yun. Soon ay available na at mapakikinggan na ng aking mga supporters”, aniya ni Kexvin.
Dream din nito na maging themesong ng mga teleserye ang kanyang mga kanta.
At para kay Captain Pitz, gusto rin nitong mag-pay back time sa lahat ng blessings na merun siya sa mga kapus-palad kung saan aktibo ito sa pagtulong sa mga street children.
“May plano ako na magtayo ng charity institution para sa mga street childrens. Time na rin mag give back”, oh diba, may puso sa mga nangangailangan ang ating Captain Pitz Ms. Dimple Rein Escano.
