Ni Nonie Nicasio
BATA pa lang ay dream na ng newbie actress na si Tiffany Gaspar ang makapasok sa showbiz.
Si Tiffany ay 19 years old at tubong Antipolo, Rizal. Siya ay kabilang sa mga bagong talent ni Jojo Veloso.

Saad ni Tiffany, “Yes po, pangarap ko na talaga ang makapasok sa showbiz noong bata pa lang po ako. Sabi ko nga po sa sarili ko, na if ever makapasok or mabigyan ng opportunity ay hindi ko na po ito pakakawalan pa dahil sa totoo lang po, ang daming nangangarap na makapasok sa showbiz.
“Ang suwerte ko nga po at nakilala ko si boss Xavier Garcia at siya ang naglakad sa akin para ma-meet ko po si Tito Jojo at kung sakali man na bibigyan ako ng simple at magandang role gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya.
“Ang importante naibigay ko ang aking best sa pag-arte sa harap ng camera at payo po sa akin ni boss Xavier ay maging masunurin sa handler lalo na kay tito Jojo Veloso and be humble.”

Siya ay unang mapapanood sa pelikulang Losers-1 Suckers-0, directed by Niokz Arcega.
Nabanggit niya ang kanyang role rito.
“Ang role ko po rito ay isang vampire na kanang kamay ni Ms. Ara Mina and yes sexy po ang role ko rito.”
Ano ang reaction niya nang papirmahin ng kontrata sa Viva?
Aniya, “Nakakagulat at the same time, sobrang saya po kasi hindi ko po expected na makakapasok ako sa Viva at maging part ng Viva Artist Agency.”
Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career?
Wika niya, “Ang wish ko lang po, sana matupad ang simpleng pangarap ko at ito na iyong big break ko sa showbiz… sana tuluy-tuloy ang blessings na maibigay ni God para sa akin.
“Kahit ‘di man gaano kalaki ito, ang importante po ay mayroong project, doon pa lang po ay sobrang blessing na po iyon sa akin at para na rin po makatulong ako sa family ko,” nakangiting sambit pa ni Tiffany.
