Batay sa inilabas na Memorandum Circular No. 1 na pinirmahan ni Executive Secretary Vic Rodriguez, ito ang kauna-unahan niyang kautusan. Pinababakante ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang ilang mga posisyon sa executie department.
Gayun pa man ayon pa sa memo numero uno ni Marcos, ang tanging magsisilbi muna na OIC ay pansamantalang hahawakan muna ang puwesto hanggang July 31, 2022 nito hanggang wala pa itong nahahanap na kapalit para sa posisyong mababakante.

Inutusan ng ating pangulo ang lahat ng mga appointees nito ng dating administrasyong Duterte na itinuturing na co-terminous ay dapat ito’y mabakantehan ang kanilang mga opisina, para sa unang araw na working day.
